Sulat sa Langit
Ang tagal mo ng wala. Miss na miss na kita. Madami pa ring pagkakataong hinahanap hanap kita. Di na ako makahinga sa dami ng ginagawa, pero bakit ganun… madalas pa rin kitang maalala. Madalas pa rin kitang hinahanap. Miss na miss na kita, nanay. Ayaw kong pumasok sa kwarto mo. Ayaw kong ni pumunta sa puntod mo. Ayaw kong isiping wala ka na talaga.
Lagi pa din akong umiiyak. Miss na miss na kase kita eh. Sayang nay, di kita napasaya ng sobra bago ka umalis…
Ang dami kong pinagsisisihan, lalo na yung araw na nawala ka. Sana hindi na lang ako umalis sa tabi mo. Sana, nanatili na lang ako sa piling mo. Sana niyakap na lang kita buong magdamag. Mahal na mahal kita. Di ko man napakita sayo, pero pangako… mahal kita. Wala ka man dito ngayon, gusto kong malaman mong bawat pangarap ko para sayo.
Mahal kita, nanay. Sana alam mong mahal na mahal kita…