Archive for April, 2007

PARA SA’YO DUDE!

Saturday, April 7th, 2007

1:44am

Naninikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga. Napapagod ng tumibok ang puso ko. At unti- unti alam kong naghihingalo na ang pag-ibig ko para sayo…

Saktan mo lang ako. Hanggang wala ng matirang pagmamahal sa puso ko.

Saktan mo lang ako. Hanggang maubos na ang sakit na maaari kong maramdaman.

Sakatan mo lang ako. Hanggang masabi ko na ring hindi na kita mamahalin pang muli…

Sakatan mo lang ako. Hanggang mamatay na lamang ang liyab ng pagmamahal ko. Pawiin mo  ng sakit ang mga sakit na dulot ng pagmamahal ko sayo…

Pakiusap… saktan mo na lang ako hanggang matapos na lahat ng ito…