Archive for March, 2007

BUKAS NA LIHAM PASASALAMAT

Friday, March 9th, 2007

Students
of Science cannot stay meekly on the side. Objectivity was never an
excuse to shut up, to be neutral. Indifference is never a virtue, or
a stimulus towards creative pursuit. It is a gray area between
darkness and light that lets the dominant power continue its
hegemony. Apathy is just the dead-end of humanity. Great scientists
were never known for it. Break the image of the uninvolved
scientist!”

 

 

Mula sa STAND-UP College
of Science, isang taas kamaong pagpupugay sa lahat ng mga
organisasyon at indibidwal na naging kabahagi ng maigting nating
kampanya sa nakaraang Student Council Elections!

 

Lubus-lubos ang
pasasalamat namin sa tulong at suportang ipinakita ninyong lahat.
Hindi man nagwagi ang karamihan sa atin sa taong ito, huwag natin
itong tignan bilang isang pagkatalo at bagkus ay magsilbi sana itong
hamon sa atin upang lalo’t patuloy na baguhin ang bulok na
sistemang namumuhay sa ating kolehiyo.

 

Sa susunod na taon mga
kaibigan at kapwa Siyentista ng Bayan, tuloy-tuloy pa rin tayo sa
pagmulat at pag-unlad. Hindi sa pagsuko natatapos ang lahat. Umpisa
pa lamang ito ng laban at pangarap nating kolehiyo, isang kolehiyong
nagkakaisa at naninindigan tungo sa tunay na interes ng mas
nakararami. Isang kolehiyong may tunay na representasyon at boses
nating mga mag-aaral. At isang kolehiyong mayroong tunay na konsehong
katuwang sana natin sa pag-unlad at walang kinikilingang organisasyon
o indibidwal para isulong ang mga pansariling interes.

 

Kaya’t
ang STAND-UP CS, kasama ninyo at ng iba’t-iba pang organisasyon at
mga indibidwal sa loob at labas ng College of Science ay naniniwalang
ang asul at dilaw o maging ano pa mang kulay na namamayani sa ating
kolehiyo ngayo’y unti-unti at hindi lalao’y mapapalitan din ng
pula. Dahan-dahan, sa tulong ninyo makakamit din natin ang tagumpay.

 

Muli, sa ngalan ng
STAND-UP CS taos-pusong pasasalamat COLLEGE of SCIENCE!

 

 

 

Siyentista ng bayan
ialay ang talino sa bayan! Sama-sama tayong makialam, makilahok at
manindigan!

 

 

 

 

Mary Grace Bato

Coordinator, STAND-UP CS