Archive for December, 2005

PARTIDA

Monday, December 19th, 2005

    Isang magdamag na
namang walang pahinga… hindi mapakali.. hindi makatulog. Isang
gabing ayaw magpapigil… gabing hindi maubus-ubusan ng lakas… ng
pag-asa. Gabing puyat hindi dahil tambak ang pampaaralang gawain…
bagkus ang puyat at pagod ay idinulot ng pakikipaglaban.

    Dalawang araw na
pakikibaka, tatlong sunod-sunod na pagkatalo dahil sa pagkakapasa ng
tatlong makasariling ammendments… ngunit ang huling tinig… ang
huling ngiti at halakhak ay napasakamay pa rin natin. Mga kapwa
mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas, tayo’y magbunyi’t
magsipagdiwang sapagkat gaano man harangan at gawing kontrobelsyal
ang nakaraang Student Reagent Selection ay nasa atin pa rin ang
matamis na halik ng tagumpay! Gamit ang iisang matuwid, tama at
makaestudyanteng mga paninindigan at pakikipagdigma ng mga
ideyolohiya’t pananaw, ang Student Reagent ay muli na namang
napagtagumpayanan ng STAND-UP student councils sa ginanap na
University-wide na botohan sa UP Los Banos.

     MABUHAY TAYONG
LAHAT! MABUHAY SI RAFFY SANCHEZ - ang nagwaging SR sa taong ito mula
sa UP Cebu! MABUHAY ang STAND-UP! IPAGPATULOY ANG LABAN SA PATULOY NA
PAGTAAS NG BUDGET CUT! IBAGSAK ANG REHIMENG ARROYO!!!

BANGAG NA ISIP

Thursday, December 8th, 2005

Isang gabing puno ng gawain, binabalot ng lamig ang buo kong paligid at tanging ang tipa na lamang ng keyboard ang siyang nadidinig.Bangag na naman ako.. Bangag sa mga gawaing hindi pa rin matalos nang aking kaisipan kung para saan… saan ako patutungo matapos ang lahat ng ito?

Pagod na ako. Pagod na rin ang aking katawan. Pagod na ang aking isip. Pagod na ang aking damdamin. Halos hindi na maarok ng aking pangunawa ang mga kaganapan sa sandaling ito. Wala akong naiisip kundi matapos na ang lahat ng gawain kong ito. Ngunit hanggang kelan? Hanggang saan? Pagod na ako.

Nagugulumihanan ako sa lahat. Hindi ko na maintindihan ang lahat ng nangyayari. Ang tanging nababatid ko’y patuloy lamang akong tumitipa. Napakagandang musika ang tipa ng keyboard. Pakiramdam ko’y punung-puno ako ng ideya. Punung-puno ako ng pangarap… ng mithiin… ngunit ang totoo’y walang kahit anong laman ang isip ko sa ngayon. Pagod ako. Nagugulumihanan. Nais ko ng itigil ang kalokohang ginagawa ko ngunit tila ba mayroong nagnanais na ipagpatuloy ko pa ito..