Archive for October, 2005

IVE NEVER BEEN LIKE THIS BEFORE..

Tuesday, October 18th, 2005

Haayyy.. kakaiba na naman ako sa
mga nagdaang araw. Aaminin ko,
masaya ako. Masayang-masaya talaga. Pero hindi ata ito ang kilala kong sarili
ko… napakabilis ng mga pangayayari at hindi ko napapansing naaapektuhan na
pala ang pang-araw-araw kong buhay. Nagpapadala ako sa agos ng mga pangyayari
sa dahilang hindi pa rin maarok ng aking isip… ang tanging alam ko lamang ay
masaya ako at kuntento sa sitwasyong meron ako ngayon.
Haayyy…
dumating na naman ba ang "CYA" sa buhay ko? Masaya na naman ako… madalas nakangiti sa tuwing
naiisip ko cya. Pero ganun din kaya ‘cya’ sken? Maraming pagkakataong gusto
kong tanungin cya sa kanyang nararamdaman at sa sitwasyong meron kame…kso
nauunahan ako ng takot, maaaring hindi ang iniisip ko ang iniisip nya. Isa pang
bagay ay kapwa hindi namin makausap ang isa’t - isa ng seryoso. Ang ‘corny’. Un
talaga ang dating. Haaayyyy… masaya na ako sa buhay na meron ako ngayon. Di
ko akalaing darating kagad ang bagong ‘cya’ sa buhay ko… matapos ang isang
pagkakamaling sobra kong pinagsisihan…akala ko wala na kong karapatang sumaya
uli.. 


/*Kay ‘cya’…

hindi ko akalaing hahantong ang lahat sa ganito… minsang inuman…minsang yosi di ko akalaing babaguhin non ang buhay ko.. */